Pinagtibay ng Balungao Police Station ang paglaganap ng impormasyon ukol sa Crime Prevention at Anti-Kidnapping sa Balungao, Pangasinan noong Lunes.
Idinaos ng ahensya ang Dialogue and Distribution of Flyers sa mga estudyante at mamamayan ng Barangay Poblacion.
Naglalayon ang inisyatiba na bigyang diin ang mga hakbang at estratehiya ukol sa Crime Prevention at Anti-Kidnapping upang maiwasan ang paglaganap ng krimen.
Samantala, umaksyon din ang Mangaldan Municipal Police Station sa pagsisiwalat ng komunikasyong nagpapatibay ng seguridad ng mamamayan.
Isiniwalat ng istasyon ang pakikipag komunika sa mga barangay officials at tricycle drivers ukol sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Facebook Comments










