Crime Rate ng PNP San Mateo, Bumaba Ngayong Taon!

San Mateo, Isabela- Masayang ibinida ni Deputy Chief of Police Roberto Alario ng PNP San Mateo ang pagbaba ng Crime Rate sa kanilang bayan sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo kahapon, Hulyo 7, 2018.

Aniya, noong 1st quarter umano ng 2017 ay nasa 149 crime rate ang naitala sa kanilang bayan kung saan ay kabilang na din dito ang index at none index habang ngayong unang quarter naman ng 2018 ay nasa 56 lamang ang naitatala at bumaba ito ng 62.24%.

Dagdag pa niya, karamihan umano sa mga naitatalang insidente sa kanilang bayan ay ang mga gitgitan ng mga sasakyan sa mga lansangan kung saan ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo.


Sa ngayon ay balak din umano ng kanilang himpilan na hilingin sa bawat barangay ang paglalagay ng CCTV upang mabantayan at mamonotor ang bawat barangay at upang matulungan din ang kapulisan sa mga imbestigasyon kung mayroong mga magaganap na krimen.

Sa ngayon ay nananatili naman umanong matiwasay ang kanilang bayan at puspusan din ang kanilang isinasagawang pagroronda sa buong maghapon at magdamag kaalinsabay ng pakikiisa sa kanilang programang patrol beat sysyem.

Facebook Comments