Pormal ng idineploy sa Cotabato City ang karagdagang 117 na mga police trainees para makatulong na mapanatiling ligtas kontra kriminalidad ang syudad.
Kahapon iniharap ang mga ito sa City Peace and Order Council sa pangunguna ni Mayor Cynthia Guiani kasama sina 6th ID CG MGEN Arnel Dela Vega at PNP 12 RD CSupt Marcelo Morales.Kabilang sa kanilang FTP o Field Training Program ng mga bagitong police ang pagkakadestino sa Cotabato City.
Malaki naman ang kumpyansa ni City PNP Director Rolly Octavio na magiging malaking tulong ang mga ito lalo na sa pagkakaroon ng police visibility sa bawat sulok ng syudad.
Matatandang kabilang sa inihayag sa CPOC meeting kahapon ang patuloy na pagbaba ng crime rate na naitatala sa syudad mula noong 2016 bunsod sa mas pina igting na pagbibigay seguridad ng mga pinagsanib na mga otoridad.
Kasong theft ang nagungunang naitatala sa mga presinto ng kapulisan giit ni CD Octavio habang pumapang apat na lamang ang kaso ng pamamaril. Iginiit naman ng opisyal ma agad nareresolba ang mga naitatalang krimen sa syudad
Crime Rate patuloy na bumababa sa Cotabato City
Facebook Comments