Crime Rate sa Baguio, Ilang Porsyento kaya ang Ibinaba?

Baguio, Philippines – Sa naitala ng Baguio City Police Office o BCPO, bumaba sa 45 percent ang crime volume sa lungsod kung saan ay naitala ang 1630 na krimen ang naka-dokumento mababa kesa sa naitalang 3,584 na mga krimen noong nakaraang taon.

Ayon kay BCPO City Director Police Colonel, Allen Rae Co, ang pagbaba ng crime sa lungsod ay patuloy na bumababa kumpara sa mga nakaraang taon, at ayon sa mga naitala nila, ang kaso ng Vehicular traffic accidents, bumaba ito ng 54 percent mula 1,475 noong 2018, mayroong 681 na kaso ang naitala noong nakaraan taon; ang kaso naman ng murder, nabawasan ng 50 percent kung saan mula sa sampung kaso noong 2018, naging limang kaso na lamang noong nakaraang taon; 25 percent naman ang pagbaba ng kaso ng homicide mula sa 16 na kaso naging 12 na kaso nalang noong nakaraang taon; At sa kaso ng Physical Injuries mula sa 153 na kaso noong 2018, naging 131 na kaso nalang noong nakaraang taon kung saan 14 percent ang ibinaba nito.

Dahil din sa magandang pakikisama, kooperasyon at pagbabantay ng mga residente at mga turista samahan din ng police visibility ng syudad lalong lalo na sa mga ‘crime prone areas’, ilang mga sa mga krimen ay napigilan na bago pa ito mangyari.


Dagdag pa ni Colonel Co na ang pagbawas ng krimen sa syudad ay ipekto din ng pinaigting na implementasyon ng gobyerno sa Kampanya kontra Droga ng administrasyon, at sinigurado nya din na, ang City Police Force ay magpapatuloy at papaigtingin pa lalo ang anti-criminal, anti-terrorism, anti-insurgency at peacekeeping interventions para makatulong sa syudad para maging lubos na maging payapang lugar ito sa trabaho man,magkaroon ng sobrang kalayaang mag-aral, tahimik na pamumuhay, at matiwasay na pagnenegosyo at inaanyayahan nya padin ang mga residente at mga turista ang patuloy na kooperasyon laban sa mga krimen at ireport sa kapulisan ang mga ito lalong lalo na sa mga darating na araw kung saan maraming mga aktibidad ang lungsod.

iDOL, magandang simula ito ng taon!

Facebook Comments