Patuloy ang pagbaba ng crime rate sa bansa bunsod ng matagumpay na anti-illegal drug operations.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson, Police Lieutenant Colonel Kimberly Molitas – ang mga nangyayaring krimen tulad ng theft, rape, murder ay resulta ng paggamit ng ilegal na droga.
Sa tala ng PNP, aabot sa 1,040,987 crimes ang narekord mula July 2016 hanggang June 2018.
21.48% na mas mababa kumpara sa 1,335,789 cases noong kaparehas na panahon mula 2014 hanggang 2016.
Ang mga crimes against persons gaya ng homicide, physical injuries at rape ay bumaba, maliban sa murder na tumaas ng 1.5% sa nakalipas na dalawang taon.
Dahil sa pagbaba ng bilang ng krimen, nakakatulong ito sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Facebook Comments