Bumaba ng 2.6% ang crime rate ng bansa mula Enero 1 hanggang nitong Nobyembre 13.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Jean Fajardo, nakapagtala ng 900 pagbaba sa kaso ng walong focused crimes sa loob ng mahigit 11 buwan kumpara noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon.
Batay aniya ito sa datos na inilabas ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management.
Sa kabila nito, sinabi ni Fajardo na nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa kaso ng homicide at carnapping pero ito naman ay may kaugnayan sa rent-tangay modus.
Posible rin aniyang tumaas ang crimes against property gaya ng theft at robbery dahil sa papalapit na panahon ng Kapaskuhan kung kaya’t ipinag-utos na ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., ang mas pinaigting na police visibility.