Crime rate sa bansa, patuloy sa pagbaba

Bumaba ng 27.63% ang naitalang crime rate sa bansa.

Ito ay base sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula January 1 hanggang February 10, 2024.

Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang nasabing pagbaba sa index crimes ay mula 4,485 incidents noong isang taon kumpara sa 3,246 ngayong taon sa kaparehong panahon.


Sinabi pa ni Acorda na bumaba rin ang 8 focus crimes mula sa 4,453 sa 3,224 cases sa nasabi ring panahon.

Kabilang sa 8 focus crimes ang theft, physical injury, rape, robbery, murder, homicide, motorcycle theft at vehicle theft.

Samantala, nakasabat naman ang mga awtoridad ng ₱456 million na ipinagbabawal na gamot kung saan nasa 6,000 drug suspek ang naaresto ng pulisya.

Facebook Comments