Crime rate sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte, bumaba!

Manila, Philippines – Patuloy na bumababa ang bilang ngmga naitatalang krimen sa bansa sa ilalim ng Duterte administration.
  Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos,bumaba na sa 45 percent ang crime rate na naitala sa bansa sa loob ng nagdaangwalong buwan.
  Aniya, bukod sa pinaigting na kampanya ng pamahalaankontra iligal na droga, malaki rin ang naitulong ng “Project Rody” ng ilanglokal na pamahalaan.
  Sa ilalim kasi nito, mas hinihigpitan ng mga pulis angpagpapatupad ng curfew kaya nababawasan na ang mga pakalat-kalat sa kalsadatuwing gabi.
  Kasabay nito, umapela ang PNP sa mga barangay official atmga magulang na makipagtulungan sa kanilang misyon na gawing mas ligtas angpaligid para sa lahat.
 
   

Facebook Comments