CRIME RATE SA CABATUAN, ISABELA, BUMABA

Mula sa 98 na total total crimes na naitala ng PNP Cabatuan noong taong 2021, bumaba na lamang ito sa 59 crime incidents mula January 01, 2022 – December 19, 2022.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay PLt. Vineous Paragas, Deputy Chief of Police, para sa taong kasalukuyan, ay mayroon lamang 35 indibidwal sa nasabing bayan ang lumabag sa mga special laws.

Bumaba rin sa ang mga index crimes na naitala sa nasabing bayan.

Kabilang sa index crimes ang mga offenses gaya ng murder, homicide, physical injury, panggagahasa, pagnanakaw at pagnanakaw ng sasakyan.

Sa ibinahaging datos ng PNP Cabatuan, nasa 21 indibidwal ang nahuli dahil sa pagsusugal; 5 naman sa iligal na droga; 3 sa ilegal na pangangalaga ng mga hindi lisensyadong baril at bala, 5 sa kasong pang-aabuso; 1 kaso ng pagpatay, at 3 kaso ng panggagahasa.

Habang pinaka marami naman ang vehicular accident na kung saan 16 ang nasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injury and Damage to Properties.

Kaugnay nito, dahil sa pagpasok ng yuletide season, nakahanda na ang pwersa ng mga kapulisan sa mga lugar sa nasabing bayan na madalas umanong magkaroon ng aksidente.

Pinapayuhan naman ang lahat na iwasan ang pagmamaneho kung nasa impluwensya na ng alak.

Facebook Comments