Crime rate sa Cotabato city bumaba sa nakalipas na 2017

71

Bumaba ng 45% ang crime rate sa cotabato city sa nakalipas na 2017, ito naman ang sinabi ni City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio sa panayam sa kanya ng DXMY RMN Cotabato.
Anya ang pagbaba ng krimen sa lungsod ay dahil narin sa tulong ng local government unit na pinangunahan ni Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi na araw araw na nagsasagawa ng pagroronda kasama ang mga barangay officials at tanods.
Pinalakas din ni Col.Octavio ang polise visibility sa apat na sulok ng lungsod at malaki din ang naitulong ng pagreactivate ng Task Force Kutabato at presensiya ng 5th Special Forces battalion na pinamunuan ni Col.Errol James Uri…Umaasa si Col.Octavio na magtuloy-tuloy sana ang pagbaba ng krimen sa siyudad.

Facebook Comments