CRIME RATE SA ILOCOS REGION, PABABA NANG PABABA AYON SA PRO1

Pababa nang pababa ang crime rate sa Ilocos Region ayon sa Police Regional Office 1 kahit pa nagluwag na ang restriksyon na ipinatupad dulot ng COVID-19.
Ayon kay PCOL Charlie Umayam ang Chief Regional Operations Division 1 sa naging panayam ng IFM Dagupan, nakita ng kanilang kagawaran sa isinasagawang weekly assessment ang pagbaba ng mga naitatalang krimen sa rehiyon.
Sa katunayan aniya sa katatapos na Undas 2022, mayroon lamang walong kaso ang naitala mula sa 8 focus crimes kung saan walang murder at tanging theft, robbery at physical injury lamang.
Ito umano ay dahil sa pagpapakalat ng kapulisan sa mga kakalsadahan at iba pang areas of convergence na kung saan napipigilan ang paggawa ng krimen ng mga masasamang loob.
Bukod dito, malaking tulong din ang naibibigay na suporta ng mga force multiplier upang mapanatili ang kaayusan sa buong Region 1.
Facebook Comments