Crime rate sa Luzon bumaba ng 80%

Kasunod nang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine kung saan inaatasan ng pamahalaan ang lahat na manatili sa kani-kanilang tahanan upang hindi na kumalat pa ang Coronavirus disease.

Nagresulta ito sa mababang crime rate na naitala ng Philippine National Police (PNP) sa mga nakalipas na araw.

Sa laging handa public briefing, sinabi ni PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac na sa katunayan 80% ang ibinaba ng crime rate hindi lamang sa Metro Manila kung hindi sa buong Luzon.


Pinabulaanan din ni Banac na may mga insidente ng social disorder o mga insidente ng mga panloloob at looting sa mga grocery stores at commercial establishments.

Sa ngayon humupa na aniya ang pagdagsa ng mga tao sa mga quarantine controlled stations at kaunti na lamang ang mga nagpipilit na makalabas at bumiyahe sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Kasunod nito tiniyak ni Banac na papanatilihin ng pambansang pulisya ang kaayusan at kapayapaan sa mga residential area.

Facebook Comments