Crime Rate sa Maguindanao bumaba ng 75%- PD Tello

Bumaba ng halos 75 % ang crime rate sa buong Maguindanao kasabay ng nagpapatuloy na implementasyon ng Martial Law sa buong isla ng Mindanao.

Bagaman aminado na hindi nila kontrolado ang tensyong nararanasan sa SPMS Box masaya namang inihayag ni Maguindanao PNP Director SSupt. Agustin Tello na halos wala aniyang may nangyaring mga untoward incidents sa bawat munisipyo .

Kaugnay nito pinasalamatan ni PD Tello ang publiko sa pakiisa sa kampanya ng mga otoridad at Pangulong Rody Duterte na matuldukan ang mga naghahasik ng kriminalidad sa lalawigan.


Hinimok rin ni Tello ang lahat ng mga taga lalawigan na huwag magsawang sumuporta sa mga adbokasiya ng mga kapulisan at kasundaluhan .

Nilinaw rin nito na walang dapat ikatakot ang mga law abiding citizen ngayong Martial Law.

Matatandaang mag iisang daang araw na ang Martial Law sa Mindanao matapos ang nangyaring kaguluhan sa Marawi City.

Patuloy paring nakaalerto ang mga pinagsanib na pwersa ng otoridad sa bawat sulok ng Maguindanao.

Katuwang ng PNP Maguindanao sa pagpapanatili ng katiwasayan sa lalawigan ang 6th Infatry Division.
Pinuri naman ni PD Tello ang lahat ng kanyang mga opisyales at mga elemento na patuloy sa pagtatrabaho.(DENNIS ARCON)
PIC: PCR MAGUINDANAO PNP

Facebook Comments