Crime rate sa Metro Manila, nananatiling mababa ayon sa NCRPO

Inihayag ng National Capital Region Police Office o NCRPO na nananatiling mababa ang crime volume sa Metro Manila sa nakalipas na 45 days habang umiiral ang Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay NCRPO Director P/MGen. Debold Sinas, nasa 67.8% ang naitala nilang crime rate sa Metro Manila simula March 15 hanggang April 30, 2020, kung saan anya mababa ito kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Meron silang 8-focused crime na naitala, ito ay ang Murder na bumaba ng 30.3% mula 76 incidents bumagsak ito ng 53; bumaba rin ang Homicide incident ng 53.3% mula 30 ngayon nasa 14 incidents.


Kabilang din dito ang Physical Injury kung saan noong nakaraang taon ay merong 293 incidents, at ngayon naman ay meron 74 incident lang na naitala ang NCRPO, katumbas nito ang 74.7% na pagbaba ng bilang.

Mababa rin ng 71.4% ang kaso ng Rape, dahil ngayong panahon ay meron lang naitalang 42 incidents, kumapara noong 2019 na meron naman 147.

Ang Robbery incidents naman ay bumaba ng 57.7% mula 274 incidents noong 2019, at ngayon meron 116 incidents.

70.7% ang ibinaba ng bilang ng insidente ng pagnanakaw, 90.9%  sa Carnapping at  80.2% sa pagnanakaw ng mga motorsiklo.

Facebook Comments