Bumaba ang antas ng walong focus crimes ng Quezon City Police District (QCPD) .
Sinabi ni QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan na resulta ito ng pinaigting na kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad ng police force ng QCPD.
Ang walong focus crimes ay ang kasong murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft, at motorcycle theft.
Ayon kay Maranan, nakapagtala ang QCPD ng 23 incidents mula Nobyembre 6 -12, 2023 kumpara sa 38 incidents na naitala noong Oktubre 30 – Nobyembre 5, 2023.
Ipinapakita ng datos ang pagbaba ng 15 incidents o 39.47%.
Naitala rin ang higit sa 95% na Crime Clearance Efficiency habang ang Crime Solution Efficiency (CSE) ay tumaas ng 91.3%.
Samantala, tuloy-tuloy din ang pagbaba ng street crimes sa walong incidents o 72.73% mula noong nakaraang linggo.