Crime volume, bumaba ng 40% – PNP

Bumaba ng halos 40% ng kabuuang bilang ng krimen para sa taong 2020 bunga ng ipinatutupad ng quarantine measures ng gobyerno.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Head Major General Marni Marcos, mula sa 68,214 criminal incidents na naitala noong 2019, bumaba ito ng 41,269 nitong 2020, katumbas ng 39.5%

Malaki ang ibinaba ng theft cases na nasa 49.81% kung saan 23,097 cases noong 2019 ay nasa 11,593 na lamang ito noong 2020.


Kasunod ang robbery na nasa 48.39% ang ibinagsak kung saan mula 9,967 incidents noong 2019 ay nasa 5,144 lamang ito noong nakaraang taon.

Nasa 47.36% naman ang ibinaba ng motorcycle carnapping o mula sa 2,127 noong 2019 ay nasa 1,914 lamang ito noong 2020.

Murder cases din ay bumaba ng 13.21%, mula 6,319 cases noong 2019 patungong 5,484 cases noong nakaraang taon; Homicide (25.60%), mula 1,793 cases patungong 1,334; at rape cases (19.69%), mula 9,915 cases patungong 7,963.

Ang pagbaba ng crime volume ay resulta ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine, kung saan nalimitahan ang galaw ng mga tao.

Facebook Comments