Crime volume sa bansa, bumaba

Bumaba ng 11% ang crime volume ng bansa.

Sa datos ng Department of Interior and Local Government (DILG), ang total crime volume mula July 2018 hanggang June 2019 ay nasa 438,496.

Mababa kumpara sa 488,644 noong July 2017 hanggang June 2018.


Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – ang pagbaba ng krimen ay bunsod ng aktibong kolaborasyon ng gobyerno, local agencies, mga residente at iba pang stakeholders.

Maliban dito, nasa 12,099 barangays na ang idineklarang ‘drug free.’

Aabot na rin sa 172 ang drug-free jail facilities sa bansa kumpara sa 74 noong nakaraang taon.

Higit isang milyong drug surrenderers ang binigyan ng pagkakataong magbagong buhay.

Facebook Comments