Crime volume sa bansa, bumaba ng 10% – PNP

Bumaba ng ng 10 porsiyento ang crime volume sa buong bansa.

Ito ang iniulat ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa records mula sa Directorate for Investigation and Detective Management, pumalo sa 38,284 ang kabuuang krimen na naitala noong May 2019 kumpara sa 42,527 sa kaparehong panahon.


Sa datos din ng PNP, 22.6% ang naging pagbaba ng index crimes gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carjacking ng motor vehicle na mula 7,421 noong May 2018 hanggang 5,744 nitong May 2019.

Habang 7.3 percent naman ang ibinaba sa non-index crimes kagaya ng reckless imprudence resulting in homicide at physical injury and damage to property.

Pinuri ng DILG ang PNP at sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na dapat ay panatilihin ng PNP ang pagiging masigasig sa pagpatupad ng kanilang tungkulin.

Facebook Comments