Crime volume sa bansa, bumaba ng halos 50%– PNP

Bumaba ng 49.6 percent ang total crime volume sa bansa sa nakalipas na limang taon.

Ito ay kasunod ng pagbaba sa 67.76 percent ng Index Crime cases sa nakalipas na 65 buwan mula Hulyo 2016 hanggang nitong Setyembre.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Elezar, ang mga datos ay nasa National Crime Environment Report na mula sa Crime Information Reporting and Analysis System.


Aniya, mula 2010 hanggang 2015 ay nakapagtala ng 2.67 milyong crime incidents at ito ay bumaba sa 1.36 milyong kaso mula 2016 hanggang sa taong 2021.

Pinakamalaki ang ibinabang krimen sa Mindanao na nasa 53.81 percent, sa Luzon na nasa 48.42 percent at sa Visayas na may 45.30 percent.

Habang bumaba rin ang crimes against person sa 64.68 percent at crimes against property na nasa 69.91 percent.

Facebook Comments