CRIMEA ATTACK | 18 nasawi sa bomb blast at gun attack Crimea

Crimea – Labing walong katao ang nasawi matapos ang isang pagsabog at pamamaril sa isang kolehiyo sa Kerch City sa Crimea.

Ayon sa Russian National Anti-Terrorism Committee, karamihan sa mga nasawi ay mga teenager matapos ang pagsabog hindi pa malaman na uri ng bomba sa dining room ng Kerch Polytechnic College.

Base rin sa ulat, nagbaril sa sarili ang suspek, na nag-aaral din sa nasabing eskuwelahan, matapos isagawa ang pambobomba at pamamaril.


Nakita ang bangkay nito sa loob ng library ng kolehiyo.

Mahigit sa limampu naman ang sugatan sa nasabing insidente.

Facebook Comments