
Mas pinaigting pa ang koordinasyon sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM).
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at resulta ng pulong sa pagitan ng mga opisyal ng Defense Department ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kasunod nito, inanunsyo ni Department of National Defense (DND) Secretary at NDRRMC Chairperson Gilberto Teodoro Jr. ang agarang pagdating ng Crisis Action Team ng U.S. Indo-PACOM sa bansa upang makipagtulungan sa AFP sa Humanitarian Assistance and Disaster Responce operations.
Maliban dito, sinabi ni Teodoro na aktibo na rin ang mga pasilidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) bilang command and control hub, imbakan ng relief goods at drop-off point ng tulong mula sa international community.
Tiniyak din nito sa publiko na lahat ng kinakailangang kagamitan at kakayahan ay mino-mobilisa sa tulong ng mga kaalyadong bansa at mga lokal na pamahalaan.
Samantala, nananatiling naka-full alert ang tanggapan lalo na’t patuloy na nakakaranas ang malaking bahagi ng bansa ng mga pag-ulan at baha.









