Cristine Reyes, binalikan ang naging laban sa sakit na meningitis

Inalala ng aktres na si Cristine Reyes ang kaniyang naging karanasan ng magkaroon ito ng sakit na meningitis.

Ayon sa aktres, nasobrahan siya sa pagod dahil sa araw-araw na trabaho kaya tinamaan ng virus at nanatili sa ospital ng halos isang buwan.

Sa mga panahong iyon, sa Diyos na lamang daw kumapit ang aktres at paulit-ulit na nagdasal na pagalingin siya dahil ayaw pa niyang mamatay.


Nagbunga naman aniya ang kaniyang pagdarasal at unti-unti bumalik ang kaniyang lakas hanggang sa tuluyang gumaling.

Facebook Comments