Critical care capacity ng gobyerno sa gitna inaasahang COVID-19 post holiday surge, malayo pa sa moderate status ayon sa Malacañang

Tiniyak ng Malakanyang na malayo pa sa moderate status ang mga hospital sa gobyerno ngayong kapaskuhan.

Ito ay kasunod ng inaasahang COVID-19 cases surge ngayong holiday season dahil sa hindi mapigilang paglabas ng mga Pilipino.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakahanda ang pamahalaan sa inaasahang ‘surge’ at iginiit na hindi mauubusan ng espasyo sa mga ospital para sa mga posibleng tamaan ng virus.


Aniya, nariyan ang ‘One Hospital Command Center’ kung saan ay maaaring i-refer ng ospital ang isang pasyente sa iba pang ospital sakaling mapuno ito.

Sa ngayon, kabilang na ang Cordillera Administrative Region, Region IV-A at Region 9 sa mga rehiyon sa bansa na malapit nang maabot ang moderate status.

Facebook Comments