Critical care capacity ng mga ospital, nagkakaroon ng improvement ayon sa Malacañang

Nasa ‘medium risk’ na lamang ang level ng critical care capacity ng mga ospital sa bansa.

Nabatid na idineklara ng Department of Heath (DOH) noon na umabot na sa “danger zone” ang kapasidad ng Intensive Care Unit (ICU) beds ng mga ospital.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maraming hospital beds na ang maaaring gamitin para sa mga pasyenteng may COVID-19.


Hinimok naman ni Roque ang mga indibidwal na mayroong mild cases ng COVID-19 o asymptomatic na i-avail ang isolation centers.

Pagtitiyak ng Palasyo na ma-eenjoy nila ang kanilang quarantine na mala-‘five star hotel’ ang experience.

Facebook Comments