Critical Care utilization rate ng bansa, tumaas – Malacañang

Tumaas ang critical utilization rate sa Pilipinas matapos dumami ang mga pasyenteng may COVID-19 ang na-confine sa mga ospital.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, halos kalahati na lamang ng 1,900 Intensive Care Unit (ICU) beds ang available mula nitong November 18.

Mas maraming senior citizens at vulnerable individuals ang umookupa ng hospital beds dahil sa COVID-19.


Sabi pa ni Roque na 59% ng 13,500 isolation beds ang maaari pang gamitin habang 70% ng 5,900 ward beds ang hindi pa nagagamit.

Nasa 78% ng ventilators ang available.

Bagama’t nananatiling sapat ang hospital capacity, mahalagang sundin pa rin ng publiko ang health protocols para maiwasan ang COVID-19 infection.

Hinikayat ng Palasyo ang mga senior citizens at vulnerable sectors tulad ng mga mayroong sakit at buntis na manatili sa kanilang mga bahay.

Facebook Comments