Critical level ng tubig sa Angat Dam, nalampasan na dahil sa pag-uulan

Tumaas muli ang lebel ng tubig sa Angat dam mula sa critical level na 160 meters.

Base sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, umabot na sa 160.29 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam kaninang alas sais ng umaga.

Nadagdagan pa ng .44 cm ang tubig mula sa 159.85 meters kahapon ng kahalintulad na oras.


Ito ay dahil sa mga pag-uulan na naranasan sa mga nakalipas na araw.

Pumalo sa pinakamababang lebel ng tubig Angat Dam sa  157.96 meters noong  hunyo 28.

Maging ang La Mesa Dam ay tuloy-tuloy din ang pagtaas ng lebel ng tubig.

Nasa 72.23 meters na ang water elevation nito mas mataas sa 71.76 meters na naitala kahapon ng alas sais ng umaga.

Pero mababa pa rin ito sa normal elevation na 80.15 meters.

Base sa rainfall advisory #5 na inilabas  ng PAGASA kaninang alas otso ng umaga, makakaranas pa rin ng light to moderate rains ang Metro Manila, Nueva Ecija, Cavite Bataan, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon Province.

Facebook Comments