Critical zone, Idineklara sa mga Purok ng 28 barangay sa Tumauini, Isabela

Cauayan City, Isabela- Idineklara sa ilalim ng critical zones ang mga natukoy na purok mula sa 28 barangays sa Tumauini at 1 training compound dahil sa COVID-19.

Alinsunod ito sa Executive order no. 23 *(**𝗔𝗻* *𝗼𝗿𝗱𝗲𝗿* *𝗱𝗲𝗰𝗹𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴* *𝗮𝘀* *𝗰𝗿𝗶𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹* *𝘇𝗼𝗻𝗲𝘀* *𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱* *𝗽𝘂𝗿𝗼𝗸𝘀* *𝗶𝗻* *𝟮𝟴* *𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝘀* *𝗮𝗻𝗱* *𝟭* *𝘁𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴* *𝗰𝗼𝗺𝗽𝗼𝘂𝗻𝗱* *𝘄𝗶𝘁𝗵* *𝗰𝗼𝗻𝗳𝗶𝗿𝗺𝗲𝗱* *𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗* *𝟭𝟵* *𝗮𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲* *𝗰𝗮𝘀𝗲𝘀**, * *𝗮𝗻𝗱* *𝗽𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗶𝗻𝗴* *𝗳𝗼𝗿* *𝗴𝘂𝗶𝗱𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲𝘀* *𝘁𝗼* *𝗯𝗲* *𝗼𝗯𝘀𝗲𝗿𝘃𝗲𝗱* *𝗶𝗻* *𝘁𝗵𝗲* *𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆* *𝗼𝗳* *𝗧𝘂𝗺𝗮𝘂𝗶𝗻𝗶* *𝗳𝗿𝗼𝗺* *𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁* *𝟭𝟲**-**𝟮𝟮**, **𝟮𝟬𝟮𝟭* *𝗮𝘀* *𝗮* *𝗿𝗮𝗽𝗶𝗱* *𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲* *𝘁𝗼* *𝗰𝗼𝗻𝘁𝗮𝗶𝗻* *𝘁𝗵𝗲* *𝘀𝗽𝗿𝗲𝗮𝗱* *𝗼𝗳* *𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗**-**𝟭𝟵**) *na nilagdaan ni Mayor Arnold Bautista.

Kaugnay nito, ang lahat ng tao sa mga barangay ay lilimitahan ang paglabas at pag-access sa essential goods at services habang ang mga empleyado sa mga opisina na may pahintulot na mag-operate ay kinakailangan na kumuha ng travel pass sa kanilang barangay bago makapasok sa trabaho.


Kabilang ang mga barangay Annafunan (Purok 1,5,6,7), Antagan 1st (Purok 3,5,7), Antagan 1st (Purok 3,5,7), Antagan 2nd (Purok 1,5,7), Arcon (Purok 3,6,7), Batug (Purok 1), Bayabo East (Purok3), Caligayan (Purok 4), Carpentero (Purok 3), District 1 (Purok 1), District 2 (Purok 6), Fermeldy (Purok 2 at 3), Fugu Norte (Purok 1 at 2), Lalauanan (Purok 1,2,4,6 at 7), Lapogan (Purok 2 at 7), Lingaling (Purok 2,5,6 at 7), Liwanag (Purok 7), Malamag East (Purok 3), Antagan 1st (Purok 3,5,7), Maligaya (except Taccao St. P1, 2, 5 at 7), Minanga (Purok 4), Namnama (Purok 1), Paragu (Purok 5), San Mateo (Purok 1 at 5), San Pedro (Purok 6), Santa (Purok 4), Sisim Alto (Purok 3), Sta. Catalina (Purok 6), Sto. Niño (Purok 4 at 6), Ugad (Purok 2 at 4), at Training Compound (RSHS) sa nasa critical zone.

Samantala, ipatutupad naman ang curfew hours simula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga habang mahigpit na ipatutupad ang liquor ban kung saan bawal ang pagbili, pagbebenta at pag-inom sa buong bayan.

Kailangan namang magpresenta ng negative RT-PCR test sa loob ng 72-hour period ang mga residenteng uuwi sa Tumauini upang masigurong ligtas ang nakakarami sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments