CRMC naglatag ng mga aktibidad kasabay ng Rabies Awareness Month

Inilulunsad ng Cotabato City Regional Medical Center-Animal Bite Treatment Center ang Rabies Awareness Month .
Sinimulan ito ng Lay Forum na pinangunahan ni Ms. Miryl Uytaranco, RN., Animal Bite Coordinator ang lecture sa mga Nanay/Tatay, Ate/Kuya at iba pa upang magkaroon nang kaalaman ang mga tao sa Rabies.Tema sa ngayong taon ay “Barangay Kaagapay Laban sa Rabies Tagumpay.”
Ayon kay Ms. Uytaranco, may kaso ng rabies silang naranasan sa regional hospital ngunit ayon sa record nila ito ay mga resideente ng kalapit na probinsya. Kaugnay nito hinihikayat ng mga ito ang publiko na kapag may nakagat ng hayop o kakilala, huwag ng magdalawang isip para magpagamot. Paalala pa niya na ang pinakamagandang gawin ay kapag nakagat hugasan agad ang parteng may sugat.
Ayon sa mga eksperto, ang rabies ay isang uri ng nakamamatay na sakit na dala ng virus na nanggagaling sa kagat ng mga hayop na may rabies. Ang virus na ito ay naipapasa sa pamamagitan ng laway at kagat ng hayop.
Nakatakda ring magsasagawa ng pet vaccination, orientation seminar, pet costume contest ang CRMC kasabay ng rabies awareness month. (Helen Dimalen. NDU BACOM 3)
Google Pic

Facebook Comments