
Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagbubukas ng pinto ng Croatia para sa Filipino hotel workers sa pamamagitan ng government-to-government arrangement.
Ayon sa DMW, sa pamamagitan ng government-to-government arrangement, ang Croatian employers ang sasagot sa recruitment-related costs para sa Filipino workers.
Ito ay alinsunod sa mapagkakasunduan ng dalawang partido.
Nakapaloob din sa kasunduan ang malinaw na dispute resolution mechanism sa ilalim ng Philippine at Croatian labor laws.
Ang Filipino workers naman na ide-deploy sa Croatia ay isasailalim sa Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Habang ang Pre-Flight Briefing ay pangungunahan ng Department of Migrant Workers’ Pre-Employment and Government Placement Bureau (PEGPB).









