CROCHET FLOWERS, PATOK PANG REGALO NGAYONG VALENTINE’S DAY

Kung isa ka sa mga tambay sa social media, malamang ay bumaha na rin ng mga bulaklak ang newsfeed mo dahil sa Valentine’s Day.

Pero kung bulaklak rin lang naman ang pag-uusapan, may nauuso ngayon na kailanman ay hindi malalanta – ang mga Crochet Flower.

Gaya ng ilang mga crochet artworks, ang mga bulaklak na ito ay gawa sa makukulay na Yarn na ibinalot sa mga maninipis na wires.

Aakalain mong totoong bulaklak ang mga Crochet Flowers dahil sa matingkad na kulay ng mga ito.

Mula sa halagang P50 hanggang P200, meron ka nang pangregalo sa taong mahal mo.

Ang mga nabanggit na presyo ay depende sa laki at dami ng gusto mong bulaklak dahil available ang mga ito from single flower hanggang bouquet of flowers!

Kaya naman kung nais mo ng mura pero pangmatagalan, subukan na ang mga Crochet Flowers ngayong Valentine’s Day! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments