CROP INSURANCE NATANGGAP NG 21 REHISTRADONG MAGSASAKA SA INFANTA

INFANTA, PANGASINAN – Dalawampu’t- isang (21) rehistradong magsasaka ang nakatanggap ng crop insurance benefit mula sa PCIC sa bayan ng Infanta.

Tinatayang nasa Php 240,000 ang total ng naipamahagi sa mga rehistradong magsasaka. Katuwang ng PCIC sa programang ito ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Gil Madarang, ang Municipal Agriculture Officer.

Inaasahang gagamitin ng mga magsasaka ang nakuhang pera upang mas mapabuti ang rehabilitasyon ng kanilang sakahan para sa masaganang ani at mas malaking kita.


Kasunod ng pamamahagi ay ang pagpapaalala ng PCIC sa kahalagahan ng pagkakaroon ng insurance upang makatanggap ng benepisyo mula sa mga kumpanya sa oras ng sakuna.

Kinilala rin naman ng naturang ahensya ang pagiging agresibo ng lokal na pamahalaan sa pagsumite ng mga dokumento para sa agarang pagtanggap ng benepisyong alok ng PCIC para sa mga magsasaka.

Facebook Comments