CROP INSURANCE PARA SA MGA MAGSASAKA SA BUENLAG, CALASIAO, INILUNSAD

Upang maprotektahan ang ani at kabuhayan ng mga magsasaka, inilunsad kamakailan ang pagbibigay ng crop insurance para sa mga magsasaka at kanilang mga pananim sa Barangay Buenlag, Calasiao.

Sa panayam ng IFM Dagupan, binigyang-diin ng Municipal Agriculture Office na layunin nitong tiyakin na tuloy-tuloy ang kabuhayan ng mga magsasaka sakaling makaranas ng pinsala sa pananim.

Saklaw nito ang palay, mais, high-value crops, hayop, pangisdaan at iba pang farm assets kung saan marami sa mga kwalipikadong magsasaka ang maaaring makakuha ng libreng insurance coverage.

Bukod dito, nagkaroon ng talakayan kung saan ibinahagi ng mga magsasaka sa Barangay Buenlag ang kanilang kasalukuyang sitwasyon at mga pangangailangan.

Kaugnay nito, maraming magsasaka ang interesado sa naturang programa bilang kasangga sa mga posibleng unos sa pagsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments