Cropping calendar, target simulan ng NIA sa Oktubre para mabawasan ang pressure sa mga dam

Pinag-aaralan ng National Irrigation Administration (NIA) na baguhin ang cropping calendar para mabawasan ang pressure sa mga dam sa bansa.

Partikular dito ang mga malalaking dam sa Luzon tulad ng Pantabangan Dam.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni NIA Administrator Engr. Eduardo Guillen, na irerekomenda nilang simulan ang pagtatanim sa October, sa halip na December, para sumakto ang anihan pagdating ng Pebrero.


Sa pamamagitan nito ay masusuri din nila nang maaga ang lagay ng Pantabangan Dam kung sasapat pa ang tubig hanggang sa susunod na cropping na magsisimula naman sa buwan ng Marso hanggang Hunyo.

Ayon kay Guillen na kung sakaling magkulang ang tubig ay dito na aniya nila ipapasok ang cloud seeding para may pangsuporta sa mga pananim.

Facebook Comments