Nagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at mga lider ng Brunei, Indonesia at Malaysia na isulong ang malawak na cross-border trade.
Sa sidelines ng 34th ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand, nakapulong ni Pangulong Duterte sina Brunei Darussalam Sultan Hassanal Bolkiah, Indonesian President Joko Widodo at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad para sa Brune-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area Summit.
Dito nanawagan si Pangulong Duterte sa mga kapwa lider na magtatag ng BIMP-EAGA Facilitation Center.
Dapat ding isulong ang food basket strategy at halal industry.
Hinimok din ng Pangulo na pagbutihin pa ang physical connectivity at air linkages ng mga bansa para sa sub-regional trade.
Paigtingin din ang seguridad laban sa terorismo at ilegal drugs.
Hiniling din ni Pangulong Duterte sa kapwa ASEAN leaders na tiyakin ang full at timely implementation ng mga priority infrastructure projects sa ilalim ng BIMP-EAGE Vision 2025.