Pagbabasehan ng Department of Health (DOH) ang cross-border transmissions ng bagong strain ng COVID-19 mula United Kingdom para sa pagrerekomenda ng travel ban mula sa mga bansang nagkaroon na ng kaso nito.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy ang pagmo-monitor ng kagawaran sa sitwasyon sa mga nabanggit na bansa.
Kailangang magkaroon ng community transmission dahil ito ang itinakdang pamantayan para ipatupad ang travel ban.
Para naman kay Dr. Edsel Salvana ng DOH Technical Advisory Group, may ilang bansa na nakapagtala ng kaso ng COVID-19 cases dahil agad na natukoy ang bagong variant sa kanilang borders.
Punto rin ni Salvana na hindi kailangan ng total travel ban mula sa Singapore.
Facebook Comments