
Tinapos na ng depensa ang cross examination nito kay dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayon ay Metro Manila Development Authority General Manager Nicolas Torre III.
Ayon kay Torre, marami siyang sinagot sa katanungan ng mga abogado ni Pastor Apollo Quiboloy.
Hindi naman itinuturing ni Torre na tensyonado ang naging cross examination ng depensa sa kanya dahil normal naman aniya itong proseso sa paglilitis.
Bunga nito, hindi na babalik sa pagdinig si Torre kaugnay ng kasong qualified human trafficking laban kay Pastor Quiboloy.
Kabilang sa sinagot ni Torre sa cross examination ang anggulong inaresto si Quiboloy at hindi ito kusang sumuko, na kaugnay ng naging raid ng pulisya sa property ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.
Facebook Comments









