‘Cryptic picture,’ ipinost ni Sarah G sa kanyang IG account

Ikinagulat ng mga fans ni Sarah Geronimo ng pag-post niya ng isang table setting picture matapos niyang burahin ang lahat ng kanyang mga post sa kanyang official Instagram account.

Marami kasing netizens ang natuwa habang ang iba ay naintriga sa post ng singer-actress na may caption na “5.30 #gnasisarah”.

Say ng ilang fans, it’s about time para sarili naman daw ni Sarah ang kanyang unahin.


Hindi naman nagsalita si Sarah tungkol sa isyu pero marami sa kanyang mga fans at followers ang naghinala na may kinalaman ang kanyang longtime boyfriend na si Matteo Guidicelli sa nasabing post.

Una nang naintriga kasi ang Popstar matapos niyang pagupitan ang kanyang buhok na sign daw na break na raw sila ni Matteo at nag-momove on daw ito.

Facebook Comments