Cryptocurrency, ginagamit na rin sa transaksyon ng iligal na droga sa bansa

Naaalarma ang pamahalan dahil nagiging sopistikado at digital na rin ang mga ginagamit na transaksyon sa palitan ng iligal na droga sa bansa.

Sa Malacañang press briefing, isiniwalat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, gumagamit na rin ng cryptocurrency ang mga sindikato at mga presong sangkot sa mga distribution at transaction sa droga.

Ang cryptocurrency na isang uri ng digital money ay nagsimula taong 2009, kung saan ang bitcoin ang naging kauna-unahang cryptocurrency na naging popular sa buong mundo.


Ayon kay Remulla, kung digital money kasi aniya ang ginagamit ay hindi mabubuko at madaling maitago ng mga ito ang kanilang transaksyon.

Kaya naman aminado sila na panibagong problema na naman ito na dapat matugunan ng pamahalaan.

Facebook Comments