Baguio City – Masayang nakiisa ang iFM Baguio sa Markang Bungo-Bikers United Non-organization Incorporated sa ginanap ng brigada eskwela noong Hulyo 29 ng umaga araw ng Huwebes sa Crystal Cave Elementary School.
Ito ang kauna-unahang programa at aktibidad na inorganisa ng grupo para sa mga estudyanteng nangangailangan na kung saan mahigit sa isang daan at limampu (150) ang mga kabataang istudyante at dalawampung (20) kinder garten din ang nabigyan ng school supplies, sabon at toothpaste na kung saan ay nakitaan ng saya at matatamis na ngiti ang mga bata habang natatanggap nila ang mga ito.
Samantala, ang mga susunod na akitibidad ng nasabing grupo ay tungkol sa talakayan ng Anti-Bullying at Tree Planting. Bagamat wala pang siguradong paksa at lokasyon kung saan ito gaganapin naisin ng grupo na mamulat ang lahat at makiisa sa ganitong usapin.