CSC Central Office, naka-lockdown simula ngayong araw hanggang March 19

Mananatiling sarado ang sentrong tanggapan ng Civil Service Commission (CSC) bilang precautionary measures matapos magpositibo sa COVID-19 ang lima nitong empleyado.

Bilang precautionary measures, pinalawig ang lockdown sa CSC office simula ngayong araw, March 15, na magtatagal hanggang March 19.

Nagpapatuloy ang isinasagawang contact tracing at naka-self quarantine muna ang mga opisyal at empleyado habang inaantay ang resulta ng kanilang COVID-19 test.


Lahat ng transaction sa Integrated Records Management Office ng CSC ay ipadadaan muna sa irmo.cmd@csc.gov.ph.

Facebook Comments