Inamin ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada na nagkakaroon ng “express at delay lanes” sa kanilang ahensiya para sa mga kasong administratibo laban sa mga opisyal ng state medical insurer na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Lizada, may mga kaso laban sa mga PhilHealth officials na hindi pa inaaksyunan ng isang taon hanggang labinlimang buwan, habang meron ding mabilis na nareresolba.
Karaniwang aniyang kaso sa mga ito ay grave misconduct, oppression, questionable assignments, employee promotion at iba pa.
Pag-amin pa ni Lizada, may mga kaso rin laban sa mga PhilHealth officials na paulit-ulit na nadi-dismiss ng hindi lamang ito kinikilala.
Nagkakaroon din ng hurisdiksyon ang Central Office sa mga kaso na ang mga Regional Offices lang ang nag-iimbestiga na hindi naman dapat gawin.
Ang Civil Service Commission ay isa sa tatlong constitutional commissions sa Pilipinas na responsable sa integridad ng gobyerno.