CSC, handa na para sa Pen and Paper Test sa buong bansa bukas

Kasado na ang isasagawang Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) ng Civil Service Commission (CSC) sa buong bansa bukas, Agosto 11.

Ngayong umaga, tumulak na papuntang Dinagat Islands si CSC Commissioner Aileen Lizada para tingnan ang mga paghahandang ginagawa sa lalawigan.

Kahapon, nauna nang pinadala sa lalawigan ang test materials sakay ng sea vessels.


Ayon kay Commissioner Lizada, kabuuang 358,651 examinees ang kukuha ng Professional at Subprofessional level exams sa buong bansa.

Pinapayuhan ang mga examinee na maagang magtungo sa testing venue bukas na hindi lalagpas ng alas-6:30 ng umaga.

Dahil pagsapit ng alas-7:45 ng umaga ay isasara na ang gates ng testing venues at hindi na papayagang makapasok at makakuha ng pagsusulit ang mga late examinee.

Facebook Comments