Inamyendahan ng Civil Service Commission (CSC) ang interim guidelines sa leave credit ng mga manggagawang lumiliban sa trabaho dahil sa COVID-19.
Batay sa CSC Resolution No. 2101122, ikokonsiderang excused sa trabaho ang manggagawa dahil kinakailangan nitong mag-quarantine, mag-isolate o magpagamot dahil tinamaan ng COVID-19 o naging closed contact.
Hindi rin kailangang mag-report sa trabaho ng manggagawang naka-excused leave dahil sa COVID-19 at dapat ay tumanggap pa rin ito ng sahod.
Maari ring i-adopt ng manggagawa ang work-from-home arrangement depende sa uri ng kanilang trabaho alinsunod sa mga alituntunin ng CSC Memorandum Circular No. 18, series of 2020.
Facebook Comments