Pinaalalahanan ng Civil Service Commission ang mga Human Resources sa bureaucracy na ipinagbabawal ang pag papareserba ng mga positions sa trabaho para sa mga insiders.
Ginawa ni CSC Commisioner Atty. Aileen Lizada ang pahayag kasunod ng natanggap na reklamo mula sa isang outsider applicant na nag aapply sa isang position na nakapaskel.
Base sa reklamo hindi raw tinanggap ang application nito dahil naka,“reserved” na ito para sa insider.
Kaugnay nito nanawagan si Atty. Lizada sa lahat ng applicants na nakaranas tulad ng nagpadala ng reklamo na ipagbigay alam sa kanyang tanggapan o sa mga contact center ng bayan para sa kaukulang tugon
Maaari ding ipadala ang reklamo sa email@contactcenterngbayan.gov.ph o di kaya ay itext sa (0908) 881 6565.
Paliwanag pa ni Atty. Lizada hindi dapat magkaroon ng reservations dahil ang pagtanggap at pag promote ng aplikante ay base sa merit and fitness.
Kaya daw may publication ng mga vacant positions para malaman ng lahat ng interesado.