Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga opisyales at empleyado ng gobyerno na maghain na ng 2022 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ayon sa CSC, huwag nang antayin pa ang deadline sa 30 June 2023, dahil rerebisahin pa ng Review and Compliance Committee (RCC) sa bawat ahensya ang SALN.
Nilinaw ng CSC na umiiral pa rin ang guidelines na ginamit noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Dahil nagta-transition pa sa new normal ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan, papayagan ang iba pang mode of filing.
Maaring mag-file ng personal at papayagan pa rin ang electronic filing ng SALN.
Kinakailangan lamang na matiyak na makatotohanan, detalyado at sinumpaan ang idedeklarang mga ari-arian, pagkakautang, mga negosyo at financial connection ng bawat manggagawa sa pamahalaan.