CSC, magpapatupad ng digital civil service exam para madagdagan ang slots ng examinees

Target ng Civil Service Commission (CSC) na magpatupad ng digital exam upang madagdagan ang slots sa mga kukuha ng Civil Service examination.

Ayon kay CSC Chairman Karlo Nograles, pino-proseso na ang procurement ng system na tatawaging “CSC-DEX”, para sa computerized at online Civil Service exam.

Ito ay nakikitang makapagdaragdag ng isandaang libong exam slots.


Aminado si Nograles na kahit pa dino-doble ang exam slots sa 700,000-750,000 kada taon, hindi pa rin ito sapat upang matugunan ang demand.

Umaasa din si Nograles na malalagyan ng CSC-DEX ang lahat ng kanilang regional at field offices.

Ito rin ang nakikitang magtutulak sa pagtaas ng bilang ng mga pilipinong magiging eligible na magtrabaho sa gobyerno, upang mapunan ang mga bakanteng posisyon.

Facebook Comments