CSC, magsasagawa ng dalawang Civil Service Career Examination sa 2020

Magsasagawa ang Civil Service Commission (CSC) ng dalawang Civil Service Career Examination sa susunod na taon.

Ito’y para bigyan ng dalawang pagkakataon na makakuha at makapasa ang mga nais na makapagtrabaho sa gobyerno.

Sa anunsyo ng CSC, ang Nationwide Career Service Examination-pen and paper test para sa Professional at Sub-Professional Levels ay isasagawa sa March 15 Hanggang August 9, 2020.


Ang application period para sa first examination ay hanggang January 15, 2020 sa lahat ng Rehiyon Sa Luzon at Visayas.

Para sa Mindanao, lalo na sa Region 9 hanggang 12, Caraga at BARMM, ang application period ay mula December 9, 2019 hanggang January 10, 2020.

Ang mga interesado namang kumuha ng exam sa Agosto ay pwedeng nang ihanda ang kanilang application requirement na pwedeng isumite mula May 11 hanggang June 10, 2020.

Ang mga aplikante ay kailangang isumite ang mga application nito sa CSC Regional Office na may hurisdiksyon sa Testing Center o kung saan nais kumuha ng exam o sa anumang Regional Field Offices ng CSC.

Facebook Comments