CSC: Mahigit 360K na mga kukuha ng Civil examination, nagtungo na sa iba’t ibang testing sites sa bansa

Nagtungo na sa iba’t ibang testing sites sa bansa ang examinees na kukuha ng Civil Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) ngayong umaga.

Kung saan aabot sa 361,000 ang inaasahang magte-take ng exam ngayon.

Alas-6:30 ng umaga lang ang oras na pinayagan ang mga examinee na makapasok dahil alas-7:45 ay isasara na ang gate at hindi na papayagan pang makapasok ang examinees.


Pinaalalahanan naman ang lahat ng kukuha ng exam na No ID, No Exam policy, ipinagbabawal din ang mga electronic device gaya ng cellphone, tablet.

Facebook Comments