Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) laban sa mga propesor sa mga State Universities and Colleges (SUC) na umano’y nagre-recruit ng mga estudyante para maging miyembro ng NPA.
Ayon kay CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada – paglabag ito sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Banta ng opisyal – huwag gamitin ang posisyon para sa personal o political agenda.
Ang sinumang lalabag sa batas ay papatawan ng multang katumbas ng anim na buwang sahod, isang taong suspensyon o tuluyang pagkakasibak depende sa bigat ng paglabag.
Kung totoo naman ang alegasyong recruitment ng mga guro, tiniyak ni Lizada na agad silang makikipag-ugnayan sa pamunuan ng mga SUCs.
Facebook Comments