CSC, nagpaalala sa mga empleyado ng BI na huwag magpo-post ng TikTok videos habang naka-uniporme

Binigyang diin ng Civil Service Commission (CSC) sa mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) na hindi dapat sila nagpo-post sa social networking platform na TikTok habang sila ay nakasuot ng kanilang uniporme.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, ang pagpo-post ng mga ganitong video ay paglabag sa Reasonable Office Rules and Regulations.

Paalala pa ni Lizada sa mga BI employees na hindi bahagi ng kanilang trabaho na mag-‘TikTok’ habang naka-uniporme.


Una nang sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nakakaapekto ang mga ganitong video sa intergridad ng bawat empleyado ng kawanihan.

Paglabag din ito sa kanilang social media policy na bawal gumamit ng cellphone at iba pang gadgets habang on-duty.

Facebook Comments